Holdap

1 sa 4 na holdap suspek na nakadedo ng pulis nalambat

Jon-jon Reyes May 29, 2025
36 Views
Holdap1
Iniharap ni Police Lt. Col. Alvin Christopher Baybayan ang suspek sa pagpatay sa pulis matapos maaresto sa Moriones St., Tondo, Manila habang nagbibigay ng instruction si MPD Director P/BGen. Benigno Guzman. Kuha ni JonJon Reyes

NAHULI ng mga miyembro ng Manila Police District (MPD)- Moriones Police Station 2 ang isa sa apat na suspek na holdaper na sinasabing nakapatay sa pulis na si Ronald Leonardo sa Moriones St., Tondo, Manila noong Miyerkules.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan, commander ng MPD Moriones police station, bandang alas-9:15 ng umaga namataan ang suspek na si Arnulfo Anicete ng mga pulis sa pamumuno ni Major Genesis Aliling, hepe ng MPD Warrant and Subpoena Section, habang nakatayo sa naturang lugar.

Ang suspek ang isa apat na inaresto sa kasong robbery with homicide at sangkot sa pagtodas sa nasabing parak.

Hinuli ang suspek sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Janice Antero, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 16 ng Manila.

Nakikiusap sa publiko ang mga kaanak ng biktima na ipagbigay- alam sa mga pulis ang kinaroroonan ng ikaapat na suspek na utak umano sa pagpatay sa parak.

Ayon kay MPD Chief P/BGen. Benigno Guzman, tuluy-tuloy ang kanilang mga operasyon laban sa lahat ng kriminal.