Calendar

1 suspek sa pamamaril tiklo; 2 sugatan
SUGATAN ang dalaga at lalaki na tinamaan ng stray bullet sa Tagumpay St. corner Esmeralda St., Tondo, Manila noong Biyernes.
Inoobserbahan sa ospital sina Rosalinda Reyes alyas Indang, 44, at Ace Espinosa 20, ayon sa report.\
Pinagbabaril ang mga biktima ng mga hindi nakilalang rider na naka blue long sleeves at puting helmet habang ang backride naka itim na jacket at itim na sumbrero.
Nahuli ang isa sa mga suspek na nakilalang si Lenard Blas, 35, ayon kay P/Maj. Genesis Aliling na sumama sa paghuli sa suspek.
Nagresulta sa pagkakarekober ng get-away motorcycle na walang plate number na iniwan sa Laurel St., Brgy. 120, Tondo, Manila.
Narekober din mula sa suspek ang ginamit na baril na Taurus 357 Magnum at pitong bala.
Patuloy pa rin ang paghahanap sa kasabwat ng nahuling suspek na si Erwin Cubacub.
Nahaharap sa kasong frustrated murder at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in Relation to Section 261 of BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) ang mga suspek.