Calendar

1-TAHANAN Party List group di lamang tutulong sa mga buhay pati na rin sa mga patay
ISUSULONG ng 1-TAHANAN Party List group sa nalalapit na pagpasok ng 20th Congress ang kanilang adbokasiya para tulungan hindi lamang ang mga buhay kundi pati na rin ang mga patay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng libreng pagpapalibing.
Sinabi ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” Oducado na sa loob ng sampung taon ng kanilang paglilingkod,nakita umano nila na hindi lamang bahay ang pino-problema ng mga mahihirap na Pilipino kundi patin narin ang pagpa-palibing sa oras na may isang miyembro ng kanilang pamilya ang pumanaw.
Paliwanag ni Oducado na sa simula pa lamang ay nagbibigay na sila aniya ng tulong para sa mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng pabahay program pati narin ang pagkakaloob naman ng tulong para sa mga namatayan o funeral assistance.
“Ang aming organization ay nagsimula ten years ago pa. Nagbibigay tayo ng funeral at hospitalization assistance para sa ating mahihirap na kababayan. Tapos na-realize natin na dapat maisama na sa aming pagtulong ang mga housing projects,” sabi ni Oducado.
Bukod dito, pagbibigay diin pa ng bagitong kongresista na hindi lamang bastante ang pagkakaloob nila ng pabahay program para sa mga mahihirap na Pilipino kundi ang pagtitiyak narin na msusustentuhan nila ang kanilang pang-araw araw na gastusin.
“Isinusulong natin na ang bawat pamilya ay mayroon sariling tahanan. Tapos iyong programs din natin ay dapat maproteksiyunan iyong mga pamilyang nasa ibaba ng tahanan. Ito ay sa pamamagitan ng tulong para makaraos ang bawat Pilipino,” wika pa ng mambabatas.
Ayon kay Oducado, ang isa sa mga tututukan nito sa pagpasok ng 20th Congress ay ang pagpasa ng “unemployment insurance” upang matulungan ang mga mamamayan sakaling sila ay mawalan ng trabaho para sa kanilang pantawid gastos.