DA inalis MSRP sa karne ng baboy
May 16, 2025
Calendar

Provincial
1 utas, 1 ligtas sa motor na sumalpok sa puno ng niyog
Zaida Delos Reyes
Feb 14, 2025
112
Views
PATAY ang isang dalagita at sugatan ang kasama nitong rider matapos na sumalpok sa puno ng niyog ang kanilang motorsiklo sa Brgy. Mocag, Baggao, Cagayan.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital si alyas Bina, 14, dahil sa grabeng sugat sa katawan habang nagpapagaling naman ang kasama niyang si Lyka, 15.
Naka-angkas si Bina sa motorsiklong minamaneho ni Lyka patungo sa Brgy. San Jose nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela si Lyka at bumangga sa puno ng niyog sa gilid ng kalsada.
Sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng grabeng sugat sa katawan ang mga biktima at naisugod pa sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay si Bina.
2 kelot na sangkot sa droga, boga nalambat
May 16, 2025
SALAMAT LAGUNA PNP
May 16, 2025
May kasong 2 counts ng rape nasakote sa Ilocos Sur
May 16, 2025
SCO vs driver na bumangga sa Cavite, ikinasugat ng 5
May 16, 2025