Goitia: PH di naghahanap ng digmaan
Aug 26, 2026
Calendar
Source: Facebook post
Provincial
Bgy chief sa Ecija pinaulanan ng bala sa kalsada, dedo
Bernard Galang
Jun 9, 2025
443
Views
ISANG barangay kapitan noong Lunes ang pinagbabaril hanggang sa mamatay sa Maharlika Highway sa Bgy. Calipahan, Talavera, Nueva Ecija.
Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen Jean Fajardo, kinilala ng Nueva Ecija police ang biktima na si Bgy. Calipahan Captain Joel Damacio, 49.
Sa inisyal na pagsisiyasat, minamaneho ni Damacio at isang barangay tanod ang kani-kanilang mga motorsiklo sa Maharlika Highway kung saan biglang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek at pinaputukan ng ilang beses ang biktima bago mabilis na tumakas patungong Bgy. Campos.
Isang flash alarm ang agad iniulat sa PTOC habang ang SOCO team ang natagpuang mga bala ng .9mm pistol sa pinangyarihan ng krimen.
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026
UPLB 4PH Rental Housing Project ginagawa na
Aug 24, 2026

