Rider

Rider nasawi sa salpok ng tricycle

58 Views

Live1

CALACA CITY, Batangas — Nasawi ang isang motorcycle rider matapos salpukin ang motor niya ng tricycle sa Brgy. Dacanlao ng lungsod na ito noong Miyerkules.

Kinilala ang nasawi na si alyas Cyruzz, driver ng Yamaha Mio (O241CQ0 habang hawak na ng mga pulis ang driver ng tricycle (824OKM) na si alyas Melvin.

Batay sa imbestigasyon ng Calaca City police, bandang alas-7:00 ng umaga binabagtas ng dalawang sasakyan ang highway patungong Lemery.

Patawid na sa kabilang linya ang tricycle nang salpukin ang motorsiklo ng biktima na noon ay nagtatangkang mag-overtake.

Humagis at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang rider.

Isinugod pa siya sa Ospital ng Calaca ngunit idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Eguia.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa driver ng tricycle.