Batangas

Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO

25 Views

Batangas1Live1

LUNGSOD Ng Batangas — Sumabak ang mga pulis ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) na ipinanganak ng Disyembre sa buwanang Physical Fitness Test (PFT) noong Nob. 26.

Ginanap ang aktibidad sa Kampo Heneral Malvar sa pamumuno ni PCol. Oliver Ebora.

Pinangunahan ang PFT ng Human Resource Doctrine Development Section (HRDDS) ng Batangas PPO katuwang ang Regional Education and Training Division (RETD), Regional Medical and Dental Unit 4A (RMDU 4A), Regional Special Training Unit 4A (RSTU 4A) at Batangas Medical and Dental Team.

Layunin ng test na matiyak na nasa tamang kondisyon ang pangangatawan ng mga pulis upang magampanan ng ligtas at epektibo ang kanilang tungkulin.

Ayon sa BPPO, patuloy nilang isusulong ang pisikal na kalusugan at disiplina sa kanilang hanay upang mapanatili ang kahandaan sa anumang misyon.