Sol

Phase 1 ng Laguna command center tapos na

Gil Aman Nov 27, 2026
52 Views

STA. Cruz, Laguna–Pinangunahan ni Laguna Governor Sol Aragones at Laguna Disaster Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagbubukas ng Phase 1 ng Laguna Provincial Command Center at Provincial Forecasting System noong Biyernes.

Bahagi ito ng programa upang palakasin ang kahandaan ng lalawigan sa sakuna at kakayahan subaybayan ang lagay ng panahon.

May 20 CCTVs ang inilagay sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan at 12 ang gumagana at maaaring gamitin para sa live monitoring.

Matatagpuan ang mga CCTVs sa Liliw, Mabitac, Majayjay, Paete, Pagsanjan, Pakil, Pakil, Rizal, Siniloan at Santa Maria.

Kasama sa unang yugto ang tig-isang CCTV sa bawat munisipalidad at lungsod, isang Eagle Eye camera na inilagay sa Santa Cruz Towers at isang sistemang gumagamit ng artificial intelligence (AI) para sa pagsubaybay sa dispatch team upang mapadali ang pagbabantay at pagtugon sa mga emergency.

Ayon sa gobernadora inaasahang matatapos sa loob ng anim na buwan ang pagtatatag ng provincial command center sa Phase 2.