Online

Menor de edad inaalok para abuhusin online o ng personal, 2 pinosasan

Jon-jon Reyes Nov 28, 2026
8 Views

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) noong Nob. 10 ang dalawang suspek sa Novaliches, Quezon City dahil sa kasong qualified trafficking in persons ng mga menor-de-edad.

Ang mga suspek ay natimbog sa operasyong nag-ugat sa impormasyong ibinahagi ng Royal Canadian Mounted Police sa Philippine Internet Crimes Against Children Center.

Natukoy ang isang Pilipinong tagapamagitan na sangkot sa nagaganap na online sexual exploitation ng mga bata.

Kinumpirma ng isang non-government organization (NGO) na katuwang ng ahensya na inaalok ng nasabing suspek ang mga menor-de-edad para maabuso mapa-online man o sa personal na paraan.

Noong Nob. 10, nagsagawa ang NBI-HTRAD ng entrapment at rescue operation at naaresto ang dalawang suspek sa aktong gumagawa ng krimen na qualified trafficking in persons.

Dalawang biktima rin ang nailigtas na ipinagkatiwala sa pangangalaga ng City Social Welfare Services.

Ang mga suspek ay sumailalim sa inquest proceedings kaugnay ng paglabag sa batas.