Bea2 Larawan: The Miss Universe Philippines/FB

Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe

8 Views

Ipinagmalaki ng Pilipinas ang panibagong pagkilala sa international stage matapos masungkit ni Bea Millan-Windorski ang 2nd runner-up title sa Best National Costume competition ng Miss Universe 2026.

Tampok sa kanyang kasuotan ang “Diwa ng Kordilyera,” isang likhang-disenyo ni Anthony Ramirez na hango sa mayamang kultura at tradisyon ng mga katutubong grupo sa Kalinga at Mountain Province. Tampok dito ang mga tradisyonal na tattoo pattern, masalimuot na beadwork, at habing tela ng Mountain Province.

May dala ring mas malalim na mensahe ang kasuotan sa pamamagitan ng Banga Salidsid, na sumisimbolo sa lakas at katatagan ng kababaihang Kalinga na tradisyonal na nagdadala ng tubig para sa kanilang komunidad. Ipinapaalala rin nito ang kahalagahan ng malinis at maaasahang suplay ng tubig, lalo na sa mga malalayong lugar.

Sa post ng Miss Universe Philippines, binigyang-diin na higit pa sa isang national costume ang likha dahil kinakatawan nito ang pagkakakilanlan, pamana at kultura ng mga Pilipino.