Calendar
Lala Sotto sa PBB: Collab 3.0 team: Mag-self review sa future episodes
HINIKAYAT ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair at CEO Lala Sotto ang production team ng “Pinoy Big Brother: Collab 3.0” na maging mas maingat at magsagawa ng self-review sa mga future episode ng sikat na reality TV show.
Ito ay matapos ang pagpupulong ng MTRCB Hearing and Adjudication Committee sa production team ng naturang show nitong Huwebes, 26 Nobyembre 2026, upang talakayin ang mahigit 2,900 na reklamo mula sa mga manonood at sa National Council on Disability Affairs (NCDA).
“We heard the complaints of our viewing public and acted on them without delay. These reports helped us know what we should look into,” sabi ni Sotto.
Aniya, mahalaga ang pakikipagtulungan ng mga industry stakeholder upang matiyak na creative pa rin ang media content, habang sumusunod sa mga batas at regulasyon.
“We are working with them to make sure that they tastefully handle sensitive matters in future episodes. We believe that being prudent and observing self-regulation is key to avoiding a recurrence of this issue,” dagdag ni Sotto.
Ipinarating ng komite ang mga reklamong natanggap ng MTRCB sa mga producer ng “Pinoy Big Brother: Collab 3.0.”
Pinakinggan ng production team ang mga alalahanin ng mga manonood.
Handa rin silang magsagawa ng disability sensitivity seminar na hiningi ng NCDA para sa mga housemate at production staff.
Pinunto ng komite na karamihan sa mga reklamo ay nagmula sa online livestream ng palabas.
Nilinaw din nila na limitado ang kanilang kapangyarihan sa mga livestream.
Tinalakay ng MTRCB at ng production team ang paraan ng paghandle ng mga sensitibong material sa mga episode ng TV show.
Inatasan din ng komite ang production team na maging mas maingat sa pagproduce ng mga future episode at magsagawa ng sariling ribyu upang masolusyunan agad ang mga isyu.
Dumalo sa pagdinig sina Business Unit Head Marcus Viduya, Chief Story Editor Alvin Quizon, ABS-CBN legal counsels Bea Santos at Arnel Ordas at GMA Network legal counsel Jose Vener Ibarra.
Pinagtibay nila ang kanilang pakikipagtulungan sa MTRCB upang isulong ang responsible broadcasting standards at masiguro na alinsunod sa batas ang mga future episode ng reality TV
show.

