NBI Iniharap ng NBI officials ang mga suspek na kakasuhan ng human trafficking matapos maaresto sa Sual, Pangasinan.

10 biktima ng human trafficking nailigtas

Jon-jon Reyes May 6, 2025
17 Views

NAILIGTAS ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cybercrime Division (NBI-CCD) at NBI-Special Task Force (NBI-STF) ang 10 biktima ng human trafficking na pinagtatrabaho sa mga fish ponds na pag-aari ng mga Chinese sa Sual, Pangasinan.

Inaresto ng joint team ang mga Chinese na sina Zhonggang Qui at Wenwen Qui at tatlong Pinoy na sina alyas Angielyn, Maricille at Jay R.

Nahaharap sa kasong qualified trafficking ang mga nahuli, ayon sa NBI.

Base sa report, nagpapatrabaho ng mga menor de edad na manggagawa at nagkukulong ng mga undocumented foreign nationals sa kanilang compound sa Brgy. Baquioen, Sual, Pangasinan ang mga naaresto.

Noong Mayo 1 nasagip ang mga menor de edad na biktima na naaktuhan pang nagtatrabaho sa loob ng compound.

Ang mga biktima, kung saan ilan na-recruit pa mula sa Northern Samar, isinailalim sa sapilitang paggawa, pagkakatali sa utang, at mga pagbabanta.

Ang mga biktima mapanganib ang trabaho, kabilang ang paghakot ng mga feed ng isda at pag-aalaga sa mga hawla sa malayo sa pampang sa Lingayen Gulf.

Inamin ng mga empleyado ng compound na kumikilos sila sa ilalim ng tagubilin ng dalawang naarestong Chinese national na namamahala sa mga operasyon at nagpapatrabaho ng mga menor de edad.

Dalawa sa mga nasagip na menor de edad napag-alamang buntis.

Natuklasan ng mga NBI agents na ang mga fish pen pag-aari at kontrolado ng mga Chinese national.