Abalos

10 MMFF 2024 entries kumpleto na

Aster A Amoyo Oct 23, 2024
205 Views

ArtesPicKUMPLETO na ang sampung official entries ng 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa darating na December 25, 2024 at magtatapos on January 7, 2025.

Ang limang natitirang entries (to complete the 10 official entries ng MMFF) ay inihayag ng dating DILG Secretary and former MMDA and MMFF Chairman na si Benhur Abalos last Tuesday (October 22) afternoon sa The Podium Hall in Ortigas Center, Pasig City. Naroon din ang kasalukuyuang MMDA at MMFF chairman na si Chairman Atty. Don Artes, ang head ng selection committee, ang film producer na si Jesse Ejercito, ang chairman ng MOWELFUND na si Boots Anson Roa-Rodrigo at iba pang stakeholders ng industriya maging ang mga kinatawan and stars ng iba’t ibang film companies na kalahok sa golden year ng Metro Manila Film Festival. Naroon din ang mga kinatawan ng ibang film producers ng mg pelikulang hindi pinalad na makapasok sa `Magic Ten’ ng MMFF na agad nagsialisan matapos ihayag ang remaining five movies na pumasok sa Top 10 official entries.

Narito ang kumpletong talaan ng sampung official entries para sa 50th MMFF:

CarloFrancineTopakk“And the Breadwinner is….” Isang family comedy movie na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Eugene Domingo kasama sina Jhong Hilario, Maris Racal at Anthony Jennings na pinamahalaan ni Jun Lana under Star Cinema ang The IdeaFirst Company, “Green Bones” isang suspense-drama movie ng GMA Pictures and GMA Public Affairs na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid na pinamahalaan ni Zig Dulay, “Himala, Isang Musikal” ng Kapitol Films, UXS, Creazion Studios. Isa itong musical movie na pinamahalaan ni Pepe Diokno at tinatampukan ng mga stage actor, “The Kingdom” na unang tambalan nina Vic Sotto at Piolo Pascual with Cristine Reyes, Sue Ramirez at Sid Lucero. Isa itong action, fantasy, adventure movie na pinamahalaan ni Michael Tuviera under M-Zet Production, APT Entertainment at Media Quest, ang “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” a horror movie na dinirek ni Kervin Go under Reality MM Studios at tinatampukan nina Enrique Gil, Jane de Leon, Alexa Miro, Rob Gomez at MJ Lastimosa. Ang unang limang nabanggit ay siyang naunang in-announce ng MMFF Selection Committee based on script at nitong nakaraang Martes ng hapon ay ang remaining five official entries naman ang inihayag at ang mga ito ay ang “Espantaho” na isang horror film na pinamahalaan ni Chito Rono at tinatampukan nina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino at Mon Confiado under Quantum Films. Nariyan din ang romance movie na “Hold Me Close” kung saan sina Carlo Aquino at Julia Barretto ang mga pangunahing bituin. Ito’y dinirek ni Jason Paul Laxamana under Viva Films and Ninuno Media, “My Future You” ng Regal Entertainment, isang romantic-comedy na pinamahalaan ni Crisanto Aquino at tampok na mga bituin sina Francine Diaz at Seth Fedelin, ang nag-iisang action-thriller movie na “Topakk” na dinirek ni Richard Somes at tinatampukan nina Arjo Atayde at Julia Montes under Nathan Studios, Stramdog Studios at FUSEE. Nariyan din ang “Uninvited” ng Mentorque Productions at Project 8 Projects, isang thriller movie na pinamahalaan ni Dan Villegas at tampok sina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre kasama sina Tirso Cruz III, Lotlot de Leo at Mylene Dizon.

This early ay marami na ang humuhula na ang bagong film entry ni Vice Ganda ang mangunguna sa takilya lalupa’t matagal-tagal na ring panahong hindi ito napapanood sa big screen. Mabubuhay na naman ang kanilang salpukan ni Vic Sotto na balik sa pagsali sa Metro Manila Film Festival after a hiatus of several years sa pagsali sa MMFF where he used to lord it over for many years.

Ngayong buo na ang sampung official entries for the 50th Metro Manila Film Festival, ang taunang Parada ng mga Artista ay gaganapin on December 15 sa kahabaan ng Roxas Blvd. na siyang original venue ng Parade of Stars ng MMFF for so many years bago ito napagdesisyunan na gawin ito sa iba’t ibang siyudad ng Metro Manila taun-taon.

Ang Gabi ng Parangal (Awards Night) ay gaganapin sa makasaysayang Metropolitan Theater kung saan unang ginanap ang awards night ng MMFF nung 1975.

Samantala, isinabay sa announcement ng limang pelikula na kukumpleto sa Magic 10 ng 2024 MMFF ay in-unveil ang pinakabagong design ng 50th MMFF trophy designed ng Fil-American visual artist na si Jefre.

Si Vice Ganda naman ang nanguna among the stars na dumalo sa announcement ng remaining 5 movies considering na pasok na ang kanyang pelikula sa unang Top 5 na in-announce months earlier. Ganoon siya ka-excited at ka-committed sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. Ang sampung entries ay siya ring mga pelikulang magkakaroon ng week-long screening sa 2nd Manila International Film Festival in Hollywood sa Los Angeles, California, USA na magsisimula on January 28, 2025 up to February 2, 2025. Ito’y inaasahang dadaluhan ng mga stars, directors and producers ng mga kalahok na pelikula.

MMFF entries na mas may advantage sa promo

ViceArjoPioloDennisVicVilmaNGAYONG naihayag na ang natitirang limang pelikula na kukumpleto sa Magic Ten ng nalalapit na Metro Manila Film Festival, tiyak na magiging aligaga ang producers ng sampung kalahok na pelikula para i-promote ang kanilang respective movies.

Tiyak na may edge ang mga pelikula nina Vice Ganda, Vic Sotto and Piolo Pascual at nina Dennis Trillo and Ruru Madrid dahil sa suporta ng kanilang respective TV networks and studios.

Wala na sigurong tatalo pa sa Star Cinema at ABS-CBN sa pagpu-promote ng kanilang mga pelikula at ito’y maasahan sa pelikula nina Vice Ganda at Eugene Domingo plus Vice’s top-rating noontime show, ang “It’s Showtime” na napapanood on GMA at iba’t ibang digital platforms. Ang pelikula naman nina Dennis Trillo at Ruru Madrid ay may backing ng GMA Network habang ang magkasamang pelikula nina Vic Sotto at Piolo Pascual ay may “Eat Bulaga”noontime show at TV5 support. Ang pito pang ibang pelikula ay aasa na lamang sa social media at iba pang suporta ng promotion. Nakakatulong din ang resulta ng taunang Gabi ng Parangal which will be held two days after the start ng MMFF on December 25, araw ng Pasko.

May advantage din ang pelikula nina Arjo Atayde at Julia Montes dahil nag-iisa itong action-suspense movie.

Nag-iisa ring musical movie ang “Himala: Isang Musikal”.

Just the same, ang tiyak na winner dito ay ang mga manonood dahil may sampung pelikula silang pagpipilian sa darating na Kapaskuhan.

Samantala, nangako naman si dating DILG Secretary and former MMDA and MMFF chairman na si Benjur Abalos na patuloy umano nilang ipaglalaban ang pag-reduce o pagkawala ng amusement tax sa mga pelikula nang mapababa ang presyo ng tickets sa mga sinehan.

Hello, Love, Again kailangang mabreak sariling record, record ng Rewind

AldenBAGO pa man ang pagsisimula ng 50th year ng Metro Manila Film Festival from December 25, 2024 to January 7, 2025 ay mapapanood muna on November 13, 2024 ang much-awaited reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang “Hello, Love, Again” na muling pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia Molina at joint production ng ABS-CBN’s Star Cinema at GMA Pictures.

Ang upcoming movie ng KathDen nina Kathryn at Alden ay kakaharap sa malaking hamon not only to break their own record in their 2019 box office hit movie na “Hello, Love, Goodbye” kundi maging ang record na hawak ngayon ng “Rewind” ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera at ang record na maitatala ng pelikulang mangunguna sa 50th Metro Manila Film Festival.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@asteramoyo.