Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Granada

Obrero arestado sa pagdadala ng granada

403 Views

SWAK sa selda noong Martes ang isang lalake na umano’y nahulihan ng granada sa Purok 5, Brgy. Wawa, Batangas City.

Lumabas sa imbestigasyon, bandang 11:00 ng hapon noong June 24, 2025, nang isang tawag sa telepono ang natanggap ng Batangas City Component City Police Station na nagreport na may isang lalake na may dala-dalang granada sa nasabing lugar.

Kaagad na rumesponde ang mga otoridad sa lugar kasama ang mga duty barangay tanod ng Brgy. Wawa, Batangas City, at naaresto ang suspek na kinilalang si alyas Mharby, 29, construction worker, residente ng Purok 5, Brgy. Wawa;

Nakumpiska ng mga pulis ang isang hindi kilalang uri ng hand grenade.
Inihahanda na ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaso sa Batangas City Prosecutor’s Office laban sa suspek.