Gov. Dolor

Local Legislative Awards ginanap sa OrMin

359 Views

KINILALA ng Vice-Mayors’ League of the Philippines (VMLP) Oriental Mindoro Chapter, National Movement of Young Legislators (NMYL) at Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga outstanding na mambabatas sa Local Legislative Awards (LLA) noong Hunyo 25.

Pinangunahan ni Governor Bonz Dolor ang paggawad ng mga pagkilala sa iba’t-ibang kategorya sa mga natatanging legislators ng lalawigan.

Layunin ng parangal na paigtingin ang kakayahan ng mga mambabatas sa paggawa ng mga makabuluhang polisiya at ordinansa na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Hindi lamang ito simpleng pagkilala kundi isa ring mekanismo upang itaguyod ang mga modelo ng mabuting pamamahala na nagiging daan sa pagpapatupad ng mga programang makatao, episyente at may pangmatagalang epekto sa kaunlaran ng mga komunidad.

Ang mga ganitong gawain ay nagbibigay inspirasyon at kumpiyansa sa mga bagong lider lalo na sa mga kabataang halal ng mamamayan.