PCOL Heryl

NE cops bumanat; 12 kriminal nahuli

Steve A. Gosuico Jun 26, 2025
361 Views

CABANATUAN CITY–Nalambat ang 12 suspek sa kalakaran ng bawal na droga at iba pang kaso at nasamsam ang P215,084 na halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyon, ayon kay P/Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya ng lalawigan noong Martes.

Pitong hinihinalang tulak ng iligal na droga ang nahulog sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Cabanatuan at Gapan, Llanera, Santo Domingo, Guimba, Aliaga at Talugtug at nasamsam sa mga suspek ang 31.63 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P215,084.

Sa manhunt operations, iniulat ng Nueva Ecija police na limang wanted na lalaki ang nahuli sa bisa ng arrest warrant dahil sa falsification of public documents ng pribadong indibidwal na nagreresulta sa malubhang pisikal na pinsala.

“Sa pagsisimula ko sa aking pamumuno sa NEPPO, ang mga operasyong ito ay sumasalamin sa ating matatag at patuloy na pangako sa isang mas ligtas na Nueva Ecija,” sabi ni Bruno.