Magsino

100 Filipinas ipapadala sa Seoul, South Korea bilang mga caregivers — Magsino

Mar Rodriguez Jun 20, 2024
115 Views

OFWOFW1OFW2OFW3๐—ข๐—ฃ๐—ง๐—œ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ž๐—ข ๐˜€๐—ถ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ (๐—ข๐—™๐—ช๐˜€) ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ South Korea ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ.

Ayon kay Magsino, itinuturing nito bilang isang “greener pasture” o hitik sa maraming oportunidad ang South Korea kaya malaki ang posibilidad na maraming OFWs ang makakakuha ng magandang trabaho dito.

Ipinaliwanag ni Magsino na maganda ang nakikita niyang kapalaran para sa libo-libong Pilipino na naghahangad magtrabaho sa South Korea. Ang nasabing bansa ang isa sa mga sumisikat o umaangat bilang “friendly destination” para sa mga Pinoy na naghahanap ng trabaho sa abroad.

Sabi ni Magsino, ang ilan sa mga dahilan para tanghalin ang South Korea bilang bagong “greener pasture” ay ang mataas na living standards nito, pagbibigay ng mataas na sahod kabilang na dito ang mga nakaka-engganyong kultura ng nasabing bansa.

Sinabi ng kongresista na inihahanda na ang pagpapadala ng tinatayang nasa 100 Filipina para magtrabaho sa Seoul, South Korea bilang mga caregivers.

Ayon pa kay Magsino, tiniyak o ginarantiyahan naman ng gobyerno ng South Korea na mabibigyan nila ng kaukulang proteksiyon at mapapangalagaan nila ang 100 Filipina gaya ng proteksiyon na ibinibigay nila sa kanilang mga kababayang manggagawa o Korean national workers.

“We are happy that the Philippine government is prepared to send more workers to Korea under these improved working conditions. With these advantage in place. I believe more Filipinos would be drawn to work here,” sabi ni Magsino.

Nagpamahagi si Magsino ng tulong para sa 333 benepisyaryo sa pamamagitan ng Assistance to Individials in Crisis Situation (AICS) sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).