SM1 Ipinamalas ng mga nagtapos ang kanilang ani mula sa 14-linggong programa bilang panimula ng kanilang paglalakbay bilang mga agripreneur.

100 Manaoag na magsasaka nagtapos sa KSK Farming Program ng SM Foundation

444 Views

ISANG daang magsasaka mula sa Manaoag, Pangasinan ang nagtapos sa 14-linggong Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) Farming Program ng SM Foundation noong Hulyo 1, 2025 sa SM City Urdaneta.

Sa programa, natutunan nila ang makabago at episyenteng paraan ng pagsasaka, pati na rin ang mga kaalaman sa negosyo upang mapalago ang ani at kita. Layunin ng KSK na palakasin ang kabuhayan ng mga magsasaka at bigyan sila ng koneksyon sa merkado.

Ang adbokasiyang ito ay bahagi ng pananaw ng yumaong Henry Sy Sr. na paunlarin ang mga komunidad sa pamamagitan ng edukasyon at kasanayan. Mahigit 30,000 na magsasaka na ang nagtapos sa KSK, at marami na ang nagnenegosyo at nagsu-supply sa SM at mga lokal na pamilihan.

Ipinamalas ng mga bagong graduates ang kanilang mga ani at sertipiko bilang simbolo ng panibagong simula bilang mga agripreneur. Katuwang sa programa ang mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at mga SM partners.

Ipinakita ng mga nagtapos ang kanilang ani mula sa 14-linggong programa bilang simula ng kanilang paglalakbay bilang mga agripreneur.