100 panukalang batas para sa road infra projects ng tourist destination nakasalang na sa Senado

Mar Rodriguez Apr 11, 2023
182 Views

INIHAYAG nang House Committee on Tourism na nakasalang na sa Senado ang isang daang (100) panukalang batas matapos itong pumasa sa Kamara de Representantes na naglalayong maisagawa ang mga “road infrastructure projects” patungo sa isang partikular na tourist destination.

Sa panayaman ng People’s Taliba, sinabi ni Romlon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Committee on Tourism, na naka-pending na sa Senado ang halos 100 panukala. Kabilang na dito pagde-deklara ng isang makasaysayang lugar sa bansa bilang isang tourist destination.

Umaasa si Madrona na sa pagbabalik ng session ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa darating na Mayo ay maitatakda o magkakaroon na sila ng schedule upang makausap nila ang mga Senador partikular na si Senator Nancy Binay para tuluyan ng maisabatas ang 100 panukala.

Ipinaliwanag pa ni Madrona na kapag naideklara na bilang isang tourist destination ang isang lalawigan. Magkakaroon na ng kakayahany ang isang Local Government Unit (LGU) na humingi ng pondo para maisa-ayos ang kanilang kalsada patungo sa kanilang tourist destination.

“Nasa Senate na ang 100 panukala na nagde-deklara bilang tourist destination ang isang lalawigan. Hopefully, sa pagbalik ng session sa May kakausapin na namin ang Senado para mai-schedule na. Kapag nai-declare na kasi iyan bilang tourist destination magiging eligible na ang isang LGU na humingi ng pondo,” ayon kay Madrona.

Nabatid pa sa kongresista na kasalukuyang nakasalang na sa Senate Committee on Tourism ang mga nasabing panukalang batas na pinamumunuan ni Senator Binay. Kung saan, inaasahan ni Madrona na tuluyan ng maisasabatas ang mga panukala bago mag-adjourn ang session sa darating na Hulyo.

“Nakasalang na sa Senate Committee on Tourism chaired by Senator Nancy Binay ang mga panukalang batas. Sana maisabatas na ito bago matapos mag-adjourn ang session ng both Houses,” sabi pa ni Madrona.