Pagsasaayos ng 18 airport matatapos bago ang ikalawang SONA ni PBBM

132 Views

MATATAPOS umano ang pagsasaayos ng 18 paliparan sa Hunyo o bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista mayroon ding mga road projects at maritime projects na matatapos bago ang SONA.

“We also reported ports that will be completed before June, around 20 of these. And of course, road sector projects, which will include the construction of the mega bike lanes and there are more projects for example in the rail sector,” sabi ni Bautista.

Iniulat na rin umano ni Bautista kay Pangulong Marcos ang pagsasapinal ng mga kontrata para sa North-South Commuter Railway gayundin ang contract packages para sa Metro Manila Subway.

Patuloy din umano ang paggawa sa MRT-7 na inaasahang matatapos sa 2025 at LRT 1 extension mula Baclaran hanggang Sucat na target matapos sa 2024