Israel

Manila-Tel Aviv direct flight pinag-usapan ng PH, Israel

Jun I Legaspi Sep 3, 2026
16 Views

Israel1NAKIPAGPULONG ang Israel Ministry of Tourism sa Office for Transportation Security (OTS) noong Setyembre 1 upang talakayin ang pagbubukas ng direktang biyahe mula Tel Aviv, Israel patungong Pilipinas.

Sa courtesy visit, nagpalitan ng impormasyon ang 2 bansa at tinalakay ang mga konsiderasyon para sa air connectivity, partikular sa usapin ng aviation security.

Ibinahagi ng OTS ang mga umiiral na security standards at procedures na dapat tugunan bilang suporta sa nasabing direktang serbisyo.

Kabilang dito ang pagsunod sa National Civil Aviation Security Program (NCASP) at ang pagbibigay ng Model Aircraft Security Program ng OTS bilang sanggunian sa paghahanda ng Airport Operator Security Program ng Israel.

Inaasahan ding magsumite ang Israel ng AOSP at Supplementary Security Procedures (SSP) alinsunod sa mga rekisito ng aviation security.

Binigyang-diin ng OTS ang kahalagahan ng risk assessments upang matukoy at matugunan ang mga posibleng banta at kahinaan sa nasabing ruta.

Alinsunod ang dialog ng 2 bansa sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na isulong ang ligtas at episyenteng air connectivity.