Nograles

100% passenger capacity papayagan sa ilalim ng Alert Level 1

266 Views

PAPAYAGAN ang 100% passenger capacity sa mga lugar na isasailalim sa Alert Level 1 simula sa Marso 1.

Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles inaprubahan ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Hindi naman magiging requirement ang paglalagay ng mga plastic barrier o divider para paghiwalayin ang mga pasahero.

Pero kung ang isang pampublikong sasakyan ay bibiyahe sa lugar kung saan nakataas ang Alert Level 2 ang mangingibabaw umano ay ang mas mababang capacity.

“For intrazonal and interzonal travels involving public land transportation between an area with a higher alert level classification and an area under Alert Level 1, the passenger capacity shall be that which has the lower passenger capacity rate between the point of origin and point of destination,” sabi ni Nograles.

Para sa aviation, maritime, at rail public transport na nag-o-operate sa ilalim ng Alert Level 1 ang passenger capacity ay 100%.

Kailangan namang nakasuot ng face mask ang mga pasahero at driver.