PRC

10,764 nakapasa sa May 2023 nursing licensure exam

173 Views

NAKAPASA ang 10,764 sa 14,364 na kumuha ng May 2023 National Licensure Examination.

Nanguna sa pagsusulit si Cristin Bagang Pangan ng University of the Philippines-Manila. Siya ay nakakuha ng 91.60 porsyento.

Pumangalawa naman si Mary Edrianne Codilla Sobretodo ng Father Saturnino Urios University (91.40).

Pumangatlo naman sina Alissa Danielle Medinaceli Articulo ng Saint Paul University-Tuguegarao, Tisha Mae Gamboa Dungca ng Angeles University Foundation, at Miyu Krista Cuyson Miura ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na kapwa nakakuha ng 91.00 porsyento.

Sumunod naman si Kryschelle Lyn Hilario Margallo ng Columbian Colleges-Olongapo City na naka 90.80 porsyento.

Panglima naman sina Karl Russel Abuyo Acuña ng Pamantasan ng Maynila, Ajay Melody Caisip Juico ng Angeles University Foundation, Jayzel Morga Lozares ng Cavite State University, Christian John Sanchez Pinlac ng Angeles University Foundation, at Miguel Vicente Espejo Valencia ng University of Santo Tomas na nakapagtala ng 90.60 porsyento.

Ang pagsusulit ay ibinigay ng PRC sa NCR, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.