1000pesos Litrato mula BSP

10M piraso ng bagong P1,000 polymer banknotes inilabas ng BSP

230 Views

INILABAS na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko ang 10 milyong piraso ng bagong P1,000 polymer banknotes.

Nilinaw naman ng BSP na gagamitin pa rin ang mga P1,000 na may lumang disenyo.

Ang bagong pera ay inimprenta sa Australia at nagtataglay umano ng mga security feature na mahirap mapeke.

Ang 10 milyong bagong P1,000 ay 0.7% umano ng kabuuang bilang ng tig-P1,000 na nasa sirkulasyon.

Target ng BSP na maipakalat sa publiko ang 500 milyong piraso ng polymer banknotes sa 2023.

Nasa bagong disenyo ang Philippine eagle kapalit ng mga bayaning sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda, at Jose Abad Santos.