Vergeiri

11.1M bata target mabakunahan ng DOH laban sa tigdas

170 Views

TARGET ng Department of Health (DOH) na makapagbakuna ng 11.1 milyong bata na edad zero hanggang 59 buwang gulang laban sa tigdas.

Ayon kay DOH Undersecretary at Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire magsasagawa ang ahensya ng mga measles supplemental immunization activity sa Mayo.

Sinabi ni Vergeire na pangunahing target na mabakunahan ang mga edad dalawang buwan pababa dahil itinuturing na critical period ang mga ito para magkatigdas.

Naapektuhan umano ng COVID-19 pandemic ang kampanya ng DOH laban sa tigdas kaya gagawa ang ahensya ng mga hakbang upang mapunan ang naging kakulangan.

“It has been two years na magkaroon tayo ng gap. So imaginin niyo po yung dalawang taon na nakaipon tayo ng mga bata na walang kahit anong bakuna laban sa tigdas,” dagdag ng opisyal.

Batay sa datos ng DOH, 164 kaso ang tigdas ang naitala mula Enero 1 hanggang Marso 4.