Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Hot News

11-buwang sanggol hinampas ng yaya ang ulo sa sahig hanggang matigok

18 Views
Yaya
Source: QCPD PIO

NABISTO dahil sa masangsang na amoy ang ginawang pagpatay umano ng isang 26-anyos na yaya sa kaniyang alagang 11-buwang sanggol na babae na inuntog umano niya at inilagay ang bangkay nito sa loob ng isang sako hanggang mabulok sa kanilang bahay sa Barangay Pasong Putik Proper, Quezon City.

Ang suspek sa krimen: ang tagapag-alaga na babae na live-in partner ng tiyuhin ng sanggol.

Ang ina umano ng biktima ay isang OFW.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si alyas Michelle, habang ang biktima ay isang 11-buwang gulang na batang babae.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-8:20 ng gabi noong Mayo 30 nang maghain ang suspek ng reklamo sa Women and Children’s Concerns Section ng Police Station 16 at sinabing dinukot umano ang bata ng dalawang hindi nakikilalang lalaki mula sa kanilang bahay.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng follow-up operation at pagbusisi sa mga CCTV footage ang mga pulis upang beripikahin ang alegasyon.

Gayunman, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, nakalanghap ng mabahong amoy ang isang pulis sa loob ng bahay.

Sa paghahalughog, natagpuan ang naaagnas nang bangkay ng sanggol na nakalagay sa isang sako at nakatago sa ikalawang palapag ng bahay.

Sa isinagawang imbestigasyon, inamin umano ng suspek na ilang ulit niyang inihampas ang ulo ng bata sa sahig hanggang sa mangisay at mamatay ito.

Matapos ang insidente, inilagay umano niya ang bangkay sa sako at itinago sa loob ng bahay bago gumawa ng kuwento tungkol sa umano’y pagdukot sa bata upang mailigaw ang imbestigasyon.

Agad siyang inaresto ng mga awtoridad at dinala sa himpilan para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.

Samantala, nagsagawa ng technical examination ang QCPD Forensic Unit at nakarekober ng iba’t ibang ebidensiya sa pinangyarihan.

Sa paunang pagsusuri, nagtamo ng mga pinsala sa ulo ang biktima. Isinailalim na rin sa autopsy ang labi upang matukoy ang eksaktong sanhi ng kanyang pagkamatay.