Calendar

111th anniv, Lohitor fest ipagdiriwang sa Tanza
TANZA, CAVITE–Libu-libong residente at turista ang inaasahang dadayo upang makisaya sa February 27 para sa pagdiriwang ng Lohitor festival at ika-111 founding anniversary ng bayang ito.
May temang “Tanza: Bayang pinagbuklod ng isang Kasaysayan, isang Pananampalataya, isang Kultura at Pag-asa, magkakaroon ng parada ng bayan at float parade mula SM Tanza patungo sa Plaza San Agustin sa Poblacion.
May mega job fair sa SM City Tanza event center mula alas-10:00 ng umaga para sa mga naghahanap ng trabaho at Sayawit street dance competition na lalahukan ng mga mag-aaral sa Tanza.
Isang misa ng pasasalamat at ulat sa Bayan ni Mayor Yuri Pacumio ang magaganap sa Diocesan Shrine of San Agustin, Santa Cruz Parish sa Poblacion.
Naganap noong February 14 ang Passport on Wheels sa SM City Tanza at Zumba Yap Marathon sa SM Tanza parking grounds noong February 15.
May ginanap na Mutya ng Tanza 2025 coronation night noong February 22 sa Tanza Sports Center na pinag-wagian ni Maria Kisha Anne Bustillo ng Brgy. Tanauan.
Umabo sa 84 na couples ang nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan na pinangunahan ni Mayor Pacumio.