Brannon Ayon kay Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, hepe ng MPD-Sta. Ana Police Station 6, ipina-inquest na ang lahat ng mga naarestong kabataan na sangkot umano sa hazing. Kuha ni JonJon Reyes

12 kelot hinuli sa hazing ng 18-anyos

Jon-jon Reyes Feb 4, 2025
27 Views

NAARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District-Sta Ana Police Station 6 ang 12 lalaki, kabilang ang 9 na menor-de-edad, sa aktong naghe-hazing ng 18-anyos na neophyte lalaki sa Old Panaderos St., Sta. Ana, Manila noong Linggo.

Tiklo ang mga pangunahing suspek na sina alyas Mark, 18, at ang mga menor de edad na may gulang na 14, 15, 16, 17 at 18.

Ayon sa report, bandang alas-11:00 ng umaga ng mag spot visit ang mga tauhan ng Station Tactical Motorcycle Rider Unit (STMRU) at naaktuhan ang hazing sa biktima na si alyas Marvin.

Nabuking ang kalokohan ng mga natiklo ng silipin ang mga kuha ng CCTV camera sa lugar at napansin ang grupo ng mga kabataan at may nangyayaring komosyon.

Nilapitan ang grupo at napansin na may lalaki na binubugbogi.

Bahagi ang hazing ng initiation rites ng kapatiran ng mga lalaki na tinatawag na Temple Street Trese (TST).

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 11053 (Anti Hazing Law of 2018) ang mga naaresto.