128 PDL nakapagtapos habang nakakulong

203 Views

UMABOT sa 128 persons deprived of liberty (PDL) na nasa pangangalaga ng Quezon City Jail Female Dormitory (QCJFD) ang nakapagtapos ng elementarya at junior high school sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) program.

Ayon sa QCIDF, ang mga nagtapos—32 sa elementarya at 96 sa junior high school nakatanggap ng certificate of completion.

Ang pagpapatupad ng ALS sa loob ng QCIFD ay inisyatiba ng Quezon City local government, QCJFD, Department of Education-ALS, at Schools Division Office-QC at naglalayong pagbutihin ang buhay ng mga nakakulong at ihanda sa kanilang paglabas.

Ang ALS ay programa na ginagamit din sa mga out-of-school youth at mga adult learners upang magkaroon ang mga ito ng basic at functional literacy skills.