Bello

Ex-Cong Bello arestado

182 Views

INARESTO ng pulisya si dating Akbayan Rep. Walden Bello sa Quezon City kaugnay ng kinakaharap nitong cyber libel case na inihain ng isang dating opisyal ng Davao City government.

Si Bello ay inaresto sa kanyang bahay alas-5 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Davao City Regional Trial Court-Branch 10 Judge Espe Fuentes.

Si Bello ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10175 o Cyber Crime Prevention Act of 2012 na inihain ni dating Davao City chief information officer Jefry Tupas.

Ayon sa kampo ni Bello kanila ng inaasahan ang pag-aresto ng mga pulis matapos na iakyat ng Davao City Prosecutor’s Office ang kaso sa korte noong nakaraang buwan.

Itinakda ng korte ang piyansa ni Bello sa P48,000 kada isang kaso. Siya ay nahaharap sa dalawang kaso.