PBBM

13 natatanging Pinoy pinarangakan ni PBBM

Chona Yu Dec 11, 2024
66 Views

BINIGYANG pagkilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 13 outstanding overseas Filipinos.
Sa 2024 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas (PAFIOO) na ginanap sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi matatawaran ang karangalang ibinigay ng mga outstanding overseas Filipinos sa bansa.

Ayon sa Pangulo, ang Lingkod sa Kapwa Pilipino, Pamana ng Pilipino, and Banaag awardees ay matagumpay na naipakita sa ibang bansa ang angking galing ng mga Filipino.

“Your stories continue to inspire us to make a difference and to rise above whatever adversity we face. Salamat po sa [ipinamalas] ninyong kabayanihan at kakayahan na nagbigay karangalan sa ating bansa, sa ating mga kababayan at sa Republika ng Pilipinas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang mga “Kaanib ng Bayan” awardees o ang mga natural-born foreign individuals o organisasyon na nagpakita ng suporta at dedikasyon sa overseas Filipino communities.

“Thank you for showing compassion to Filipinos, especially in their times of need. Maraming, maraming salamat po,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pagsusumikapan ni Pangulong Marcos na maging opsyon na lamang saa mga Filipino ang pagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa may magandang oportunidad na sa Pilipinas.

“Our dream is to, one day, make overseas work a choice rather than a necessity,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“We continue to implement reforms in governance and economic development to provide our people with opportunities here at home,” dagdag ng Pangulo.