Garafil

133 ruta ng PUV bubuksan ng LTFRB

205 Views

MULING bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 100 ruta na dinaraanan ng mga pampublikong sasakyan bago ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay LTFRB chairperson Cheloy Garafil ipinalabas ng ahensya ang Memorandum Circular No. 2022-067 at MC No. 2022-068 para sa pagbubukas ng 133 ruta kung saan bibiyahe ang 11,000 public utility vehicles bilang bahagi ng paghahanda sa face-toface classes.

Sa ilalim ng MC No. 2022-067 bubuksan ang 33 city bus route na hindi daraan sa EDSA.

Ang isa pang MC ay para naman sa mga ruta ng pampasaherong jeepney, modern jeepney, at UV Express.

Kumpiyansa si Garafil na sapat ang mga rutang ito upang matugunan ang inaasahang pagtaas sa bilang ng mga pasahero.

“We are confident that these routes will be enough. For the city bus routes, it’s 90% of the pre-pandemic coverage, while for jeepneys, it’s around 70%,” dagdag pa ni Garafil.

Magbibigay na umano ng special permit ang LTFRB habang inihahanda ang mga prangkisa.

Ang special permit ay lalabas umano sa loob ng dalawang araw matapos maihain ang aplikasyon.