PRC

1,420 pumasa sa Pharmacists Licensure Examination

210 Views

INANUNSYO ng Professional Regulation Commission (PRC) na 1,420 sa 2,275 examinee na kumuha ng April 2023 Pharmacists Licensure Examination ang nakapasa.

Ayon sa PRC nanguna sa naturang pagsusulit si Lyndale Lauron Gallardo na nagtapos sa Cebu Doctors University. Siya ay nakakuha ng 93.55 porsyentong rating.

Sumunod naman sina Sheryl Chisom Paz Madike mula sa University of the Philippines Manila na nakakuha ng 93.30 porsyento at pumangatlo si Laisa Marian Llado de Guzman mula sa University of Santo Tomas (UST) na naka- 93.20 porsyentong rating.

Pang-apat naman si Patrick Lorenz Gales Guzman ng Universidad de Zamboanga (93.13%), na sinundan nina Prinz Noel Angelo Arcangel ng UST (93.05%), Lyria Adrienne Rivera ng UP-Manila (92.90%), William Henry Cortaga ng De La Salle Medical & Health Sciences Institute (92.95%), Karen Kate Tumale ng UP-Manila (92.83%), Meann Claire Mendoza ng UST (92.78%), at Samuel Aquino ng UP-Manila (92.73%).

Ang Saint Louis University naman ang top-performing school na nakapagtala ng 97.14 porsyentong overall passing rate.