Walang puwersang panayam, ayon sa mga taga-Pasig
Apr 16, 2025
QCPD cops lumarga; 5 kriminal winalis
Apr 15, 2025
Parak-QC sinakote 2 drug suspek
Apr 15, 2025
PAGTITIPON SA BATANGAS
Apr 15, 2025
DEPDev Act makasaysang reporma
Apr 15, 2025
Calendar

Health & Wellness
14,640 bagong kaso ng COVID-19 naitala noong nakaraang linggo
Peoples Taliba Editor
Jul 19, 2022
269
Views
NADAGDAGAN ng 14,640 ang kaso ng COVID-19 sa bansa mula Hulyo 11 hanggang 17, ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH ito ay 44 porsyentong mas mataas kumpara sa linggo bago ito.
Mula umano sa 1,467 bagong kaso na naitatala kada araw mula Hulyo 4 hanggang 10, ay umakyat sa 2,091 ang daily average rate sa nakalipas na linggo.
Mayroon umanong 589 severe at critical cases na naka-confine sa ospital hanggang noong Hulyo 17.
Sa 2,630 intensive care unit (ICU) beds, 481 o 18.3% ang ginagamit. Sa 21,809 non-ICU beds ang ginagamit naman ay 5,189 o 23.8 porsyento.
Mayroon namang nadagdag na isang nasawi sanhi ng COVID-19 subalit ito ay nangyari noong Oktobre 2021.