Calendar
15 priority legislative measure ni PBBM natapos ng Kamara
NAAPRUBAHAN na ng Kamara de Representantes ang 15 priority legislative measure ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa 15 panukala, 13 ang naipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa sesyon noong Lunes, Disyembre 12.
Ang mga panukalang ito ay ang:
– Center for Disease Control and Prevention
– Medical Reserve Corps (HEART),
– Agrarian Reform Debts Condonation,
– Philippine Passport Act,
– Internet Transaction Act / E-Commerce Law
– Waste-to-Energy Bill,
– Free Legal Assistance for Police and Soldiers,
– Apprenticeship Act,
– Public–Private Partnership (PPP) Act,
– Magna Carta of Barangay Health Workers,
– Valuation Reform Bill (Package 3),
– Eastern Visayas Development Authority (EVDA),
– Leyte Ecological Industrial Zone.
Noong nakaraang linggo ay inaprubahan ng Kamara ang Virology Institute of the Philippines, at ang fourth package ng Comprehensive Tax Reform Program.
Ang panukalang SIM Registration Act at pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, na kasama rin sa prayoridad ay naisabatas na.
Inaprubahan na rin ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery.