Rep. Geraldine Roman

15-seconder Christmas greetings sa anim na dialects, inilabas

Ian F Fariñas Dec 20, 2022
216 Views

Bilang nasanay sa iba’t ibang lengwahe, bumabati si Rep. Geraldine Roman ng Unang Distrito ng Bataan ng espesyal na Christmas greetings sa anim na Philippine dialects sa hangarin niyang marating ang ating mga kababayan.

“Sa isang simpleng paraan, gusto ko lang iparating sa lahat ang isang Paskong Romantik na puno ng pag-asa, tungo sa mas maginhawang buhay,” aniya.

Ang 15-seconder Christmas greetings ay inilapat sa mga salitang Ilokano,

Pangasinense, Pampango, Bicolano, Cebuano, Ilonggo at siyempre pa, Tagalog.

Naririnig ang mga ito ngayon sa iba’t ibang istasyon ng radyo sa buong bansa.

Siya ay native speaker sa Tagalog at Ingles. Nagtrabaho siya bilang isang journalist na sumusulat sa wikang Kastila sa mahabang panahong namalagi siya sa Spain. Siya ay matatas ding magsalita ng French.

Sa tulong ng dialect and voice coaches, nai-record ng kongresista ang anim na pagbati sa loob lamang ng 20 minuto bawat isa.

Samantala, mapapanood sa Geraldine Romantik vlog ng mambabatas ang masayang selebrasyon ng pista ng Immaculate Conception sa Orani, Bataan ngayong Miyerkules, December 21, 7 p.m., sa kanyang YouTube channel.