DOH

17 bagong kaso ng Covid-19 Arcturus subvariant naitala

176 Views

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 17 bagong kaso ng COVID-19 Omicron subvariant XBB.1.16 o “Arcturus.”

Ito ay batay sa isinagawang genome sequencing mula Mayo 15 hanggang 19.

Sa mga bagong kaso pito ang naitala sa Western Visayas, lima sa Davao Region, dalawa sa National Capital Region, at tig-isa sa Bicol Region, Central Visayas, at Mimaropa.

Sa kabuuan ay 28 na ang naitatalang Arcturus case sa bansa.

Ang Arcturus ay isang “variant of interest,” ayon sa World Health Organization (WHO).