DOH

1,721 bagong kaso ng COVID naitala ng DOH

184 Views

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,721 bagong kaso ng COVID-19 mula Marso 27 hanggang Abril 2.

Ayon sa DOH mas mataas ito ng 33 porsyento kumpara sa naitalang 1,298 kaso noong Marso 20 hanggang 26.

Hanggang Abril 2, 2023, mayroong 347 kaso na malubha o kritikal ayon sa DOH. Sa mga bagong kaso ay 13 ang may malubha at kritikal na kalagayan.

Nadagdagan naman ng 58 ang bilang ng mga nasawi kaugnay ng COVID-19. Pero namatay umano ang mga ito mula Oktobre 2020 hanggang Oktobre 2022 at hindi lamang kaagad na naiulat sa DOH.

Pinapaalalalahan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19 at ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards.