ivan

18 oras na trabaho kada araw, ligtas nga ba?

Ivan Samson Feb 15, 2022
590 Views

SA ating bansa at ayon sa atin Labor Code, ang bawat manggagawang Pilipino ay dapat magtrabaho sa loob ng walo hanggang sampung oras bawat araw, sa loob ng lima hanggang anim na araw kada linggo. Mayroon din naman na mga manggagawa na pinapayagang magkaroon ng mas mahahabang oras ng trabaho gaya ng lamang ng mga security guards, managers, drivers, kasambahay, at mga “pakyawang” manggagawa.

Uminit ang balita ukol sa haba ng oras ng trabaho dahil sa pagbanggit ni Vice President Leni Robredo noong Feb. 8 na mahigit 18 ang pagtratrabaho nila kada araw.

“Marami tayo kailangang trabahuhin. Pero yung pinapakita niyong pagmamahal, ‘yon ang nagpapakita sa amin ng lakas para araw-araw gigising nang maaga, more than 18 hours magtatrabaho.”- VP Leni Robredo

“Alam ko na marami dito mas mahaba pang oras kaysa 18 hours ang tinatrabaho araw-araw. Pero ginagawa natin yan para mas maraming mga kababayan ang makausap natin,” nabanggit niya sa isang pagtitipon sa Quezon City Circle.”

Ligtas nga ba magtrabaho ng labing walong oras o mahigit pa? Sa isang pag-aaral na ginawa si China nito lang 2021, tinutukan nila ang epekto ng mahabang oras ng trabaho sa kanilang mga manggagawa. Mula sa mga datos na nakolekta sa mga taong 2016 at 2018, makikita ang negatibong resulta ng mahabang oras ng pagtratrabaho sa mga manggagawa. Ang mga manggagawang nagtratrabaho ng mahigit sa  54 na oras ay nagpapakita ng negatibong resulta sa kalusugan, parehas sa pisikal at sikolohikal na aspeto. Apat na beses na mas nagkakaroon ng negatibong epekto ang mga lalake kumpara sa mga babae.  Mas apektado din ang mga nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo at iyung may mga mataas na pinag araan ayon sa mga datos.

Ayon sa pag-aaral, maganda ang panandaliang epekto ng pagtratrabaho ng mahabang oras. Maganda ang mga benepisyo na nakukuha ng empleyado dahil sa paglaki ng kanyang nakukuhang sweldo. Maganda din ang epekto nito sa mga kompanya dahil madami ang natatapos ng trabaho at gawain, lumalakas ang kita, at bumibilis ang ikot ng kapital or negosyo. Subalit, sa pangkalahatan, ang kalusugan ng bawat manggagawa ay isang napakahalagang aspeto sa kapitalismo.

Ang mahabang oras na pagtratrabaho ay magdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga manggagawa. Ang mga manggagawa ay ang pinakaimportanteng propyedad ng bawat kompanya. Kaya dapat silang pahalagahan at bigyan ng makataong oras ng pagtratrabaho.

Hindi dapat pamarisan ng mga nangangapital ang pagbibigay ng mahigit sa labing walong oras na trabaho sa kanilang mga manggagawa. Hindi din dapat isipin ng mga manggagawa na tama ang labing walong oras na trabaho kada araw. Pinakamainam na balasehin ang kapakanan ng mga manggagawa, at ang interes ng mga nangangapital o maypagawa.