Bus Makikita sa unang biyahe ng P2P bus sina Imus City Mayor Alex Advincula, Lina Group of Companies Chair Bert Lina, OWWA Administrator Arnell Ignacio, UBE Express President Garrie David at Cavite 3rd District Congressman Adrian Jay Advincula.

1st P2P bus service sa Imus inilunssad

Dennis Abrina Nov 18, 2024
113 Views

IMUS CITY, CAVITE–Inilunsad ng UBE Express, sa pakikipagtulungan ng Imus City, ang kauna-unahang premium point-to-point (P2P) bus service mula Imus patungo sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Nobyembre 18 sa The District Imus, Brgy. Anabu II-D.

Sina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Lina Group of Companies Chairman Alberto Lina, UBE Express President Garrie David at AyalaLand Malls, Inc. Transportation Terminal Senior Associate Manager Ivan Bautista ang mga “unang pasahero” ng biyahe ng P2P.

Dumalo rin sa okasyon sina Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region IV-A Regional Director Loumer Bernabe, Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, mga konsehal ng lungsod, at iba’t-ibang alkalde mula sa Cavite.

Iikot ang mga P2P buses sa Terminals 1, 2, 3 and 4 at alas-3:30 ng umaga ang unang trip. Walong trips kada araw ang gagawin ng P2P services.

“Malaking bagay po ito sa mga commuters going to work sa NAIA at sa mga going to airport terminals para mag-travel abroad, napaka-convenient po at makakabawas pa sa mga volume ng motorists sa area,” sabi ng isang opisyal.

Naghandog ang lokal na pamahalaan ng libreng sakay sa unang 50 pasahero, at magpapatuloy ang libreng sakay mula Nobyembre 24.