Nakaw Kinilala ni P/Lt. Col. Alfonso Saligumba ang mga suspek sa pagnanakaw matapos maaresto sa Paco, Manila. JONJON C. REYES

2 Akyat Bahay nagnenok ng motorsiklo, ginawang escape vehicle

Jon-jon Reyes Apr 14, 2026
188 Views

Nakaw1

NATIMBOG ng mga operatiba ng MPD Station 6 ang dalawang lalaki na umano’y nagnakaw sa bahay sa Paco, Manila at tinangay ang motorsiklo para gamiting getaway vehicle noong Biyernes.

Nahuli ang dalawa, alyas Eman, 59; at Ronald, 57, sa pamumuno ni Police Lt. Col. Alfonso Saligumba.

Nakaupo ang complainant sa kanyang hospital bed sa bahay nang makita si Eman na pumasok sa bahay at kinuha ang kanyang bag na naglalaman ng P50,000.

Lumabas ang suspek at sumakay sa motorsiklo kasama si Ronald na naghihintay sa kanya sakay sa ninakaw na motorsiklo.

Nagsumbong sa Sta. Ana Police station ang complainant at mga kamag-anak kaya nagsagawa ng backtracking ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek subalit ang mga ninakaw na ari-arian at pera ay hindi na narekober.

Iginiit na mga ninakawan na nagkakahalaga ng P200,000 ang nakuha sa kanila kasama ang assorted gold earrings at bracelet.

Handang magbigay ng pormal na pahayag ang complainant upang magamit sa tamang pagsasampa ng kaso upang matulungan ang kanyang ina na may dementia.

Inihahanda ang reklamong pagnanakaw laban sa mga suspek.