PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Provincial
2 amoy chiko nagpaputok ng baril sa Ecija, arestado
Steve A. Gosuico
Jul 14, 2025
510
Views
GUIMBA, Nueva Ecija–Arestado ang dalawang lasing na lalaki sa lugar na ito kasunod ng walang habas na pagpapaputok ng baril noong Linggo.
Naaresto ang dalawa gamit ang “Daguit hotline” ni PCol. Haryl Bruno, hepe ng pulis sa Sitio Ibayo, Brgy. Masongsong dakong ala 1:10 ng madaling araw.
Natagpuan ang dalawang lalaking suspek na nasa kustodiya na ng mga awtoridad ng barangay.
Kinilala ang dalawang naarestong suspek na isang 29-anyos at 30-anyos.
Nasamsam mula sa dalawa ang isang cal .9mm pistol na may dalawang magazine na naglalaman ng 10 bala at anim na basyong bala.
Lumabas sa imbestigasyon na nag-iinuman ang dalawang suspek at nang malasing ay nagtrip na magpaputok ng baril nang salitan.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

