Suspek

2 arestado sa pang-iipit ng passport ng di makabayad ng loan

Jon-jon Reyes Mar 30, 2026
84 Views

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) kamakailan sa mall sa Pasay City ang dalawang suspek sa “pang-iipit” ng passport dahil sa hindi pagbabayad ng loan.

Ang operasyon ay inilunsad matapos ang isang nagrereklamong pinipigilan ang kanyang Indian passport bilang collateral para sa isang loan.

Ayon sa complainant, humihingi ng P200,000 ang dalawang suspek para maibalik ang kanyang passport.

Patuloy ang mga banta na ipinadala sa pamamagitan ng mga digital na platform ng dalawa, ayon sa nagrereklamo.

Tinakot pa ng mga suspek ang biktima sa pamamagitan ng pagbabanta na sisirain ang kanyang pasaporte at lalo pa siyang pinilit sa pagsasabing iuulat nila ang kanyang expired na visa status sa mga awtoridad sa imigrasyon upang pilitin ang pagbabayad ng hinihinging halaga.

Nahaharap sa kasong grave coercion kaugnay sa Section 6 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ang dalawang suspek.

“Ang tagumpay na operasyon na ito ay isang malinaw na indikasyon ng pinaigting na pagsisikap ng NBI na labanan ang lahat ng kriminalidad sa buong bansa.

We assure the public of our unwavering commitment to safeguarding the community from unscrupulous individuals,” sabi ni NBI director Atty. Melvin Matibag.