LTO Photo by LTO-IID Ang mga suspek at mga recovered na ebidensya.

2 arestadong LTO fixers mananagot — Mendoza

Jun I Legaspi Oct 8, 2024
48 Views

NATUWA si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza sa pagkaka-aresto sa dalawang umano’y fixer sa LTO Dasmariñas City District Office noong Lunes.

Kinilala ang mga suspek na sina Juan Miguel Crisostomo, 21, at Carlito Cambronero, Jr., 40.

“These people will suffer the consequences of their illegal money-making activities. We will help the police in pursuing the appropriate criminal charges against them to teach them a lesson,” ani Assec Mendoza.

Inatasan na ang pinuno ng District Office ng LTO-Dasmariñas City na magpaliwanag kaugnay ng insidente.

Batay sa ulat, nagsagawa ng entrapment ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) batay sa reklamo ng isang motorista na nagsabing inalok siya ng suspek ng P8,500 kapalit ng hindi pagdalo sa kanyang aplikasyon para sa lisensya.

Naaresto ang dalawang suspek matapos tanggapin ang marked money at nahaharap na sa mga kaso ng paglabag sa Republic Act 11032, o ang Ease of Doing Business and Efficient Delivery of Government Services, na may kaugnayan sa Article 177 ng Revised Penal Code o Usurpation of Official Function.

“Wala pong non-appearance transaction sa LTO at hindi na po kailangan yun dahil mabilis na ang ating proseso dahil sa ating digitalization program.

Mapapamahal at mai-scam lang kayo kung papayag kayo sa maling gawain ng mga fixer na ito,” dagdag niya.

Ang dalawang suspek kasalukuyang nakadetine sa Cavite Field Office ng LTO.

Nauna nang iniutos ni Assec Mendoza ang pagtanggal sa puwesto ng district head ng LTO Bustos, Bulacan dahil sa laganap na operasyon ng mga fixer, habang dalawa pang lokal na opisyal ng LTO ang kasalukuyang iniimbestigahan.