Calendar
2 bagets nagnenok ng baldosa, derecho selda
SAN JOSE CITY — Dalawang menor-de-edad na tinatawag na “children-in-conflict-with-the-law” ang dinampot ng mga pulis dahil sa pagnanakaw sa tiles center ng isang motor, P2,000 cash at P4,000 na halaga ng halo-halong valuables sa Brgy. Caanawan ng bayang ito noong Biyernes.
Sinabi ni Nueva Ecija police chief P/Col. Heryl “Daguit” Bruno na may nagreklamo sa J&L Tiles Depot tungkol sa panloloob sa kanilang tindahan dakong alas-11:00 ng gabi.
Sa pagsusuri sa CCTV footage ng tindahan, napag-alaman na puwersahang pinasok ng dalawang suspek ang establisimyento sa pamamagitan ng pag-akyat sa bubong at pagbutas sa kisame nito.
Naaresto ng mga pulis ang dalawang suspek na may edad 15-anyos at 14-anyos. Nabawi mula sa dalawa ang pulang Rusi motorcycle na pag-aari ng tiles depot.
Tinangay ng mga suspek ang P2,000 cash at iba pang kagamitan sa tindahan na nagkakahalaga ng P4,000.
Bago sila tumakas, binuhusan din umano ng dalawa ng rugby solvent ang ilang produktong paninda sa loob ng tindahan.
Sinabi ni Bruno na dinala ang dalawang menor de edad sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

