2 bata sinagip, sumagip nalunod

Gil Aman Oct 26, 2024
90 Views

PATAY ang isang lalaki na pinaghihinalaang nalunod dahil sa pagsagip sa dalawang bata na muntik tangayin ng ilog noong Huwebes sa Sitio Baybay Ilog (SBI), Brgy. Pulong, Sta. Cruz, Sta. Rosa City, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Emmanuel Velara Adolfo na natagpuang nakalutang sa gilid ng ilog noong Biyernes dakong alas-5:30 ng kanyang ama na si Reynald Egas Adolfo, 50.

Ayon sa report, umalis ng bahay ang biktima dakong alas-2:00 ng hapon upang iligtas ang tatlong bata na halos tangayin ng ilog mga dakong alas-7:00 ng gabi.

Nailigtas niya ang dalawa pero nawawala pa ang isa sa tinangka niyang iligtas sa kasagsagan ng bagyong Kristine.

Nakilala ang nawawala na si Philip Rendon Gayatano na natagpuan alas-5:30 ng umaga sa SBI.

Ayon sa ama ng nasawi, hindi pa nakakabalik ang anak niya hanggang sa matagpuang nakalutang sa ilog.