Calendar
2 buyer ng motorsiklo nagbayad ng pekeng pera, arestado
IKLO ang dalawang pinaghihinalaang swindler na nagbayad ng pekeng pera para sa biniling motorsiklo noong Biyernes sa Tanza, Cavite.
Nakumpiska rin ng mga tauhan ni Pasay City Police Chief P/Col. Samuel Pabonita sa mga suspek na sina alyas Christian, 25, at alyas Angelex, 30, ang Yamaha Mio na binili nila gamit ang pekeng pera na ipinambayad.
Sa tinanggap na ulat ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Bernard Yang, ibinenta sa dalawa online ni alyas Erwin ang kanyang Yamaha Mio motorcycle ng P20,000.
Nagkasundo ang biktima at mga suspek na magkita sa harap ng convenience store sa Brgy. 201 sa Pasay City upang suriin ang ibinebentang motorsiklo.
Dito na nagkasundo ang mga suspek at biktima sa bentahan subalit nang makaalis na ang mga suspek, dala ang biniling motorsiklo, natuklasan ng biktima na peke ang 20 piraso ng P1,000 notes na ibinayad sa kanya.
Sa follow-up operation ng Pasay police, natunton ang dalawa dakong alas-4:55 na hapon sa Tanza, Cavite at nakuha sa mga ito ang motorsiklo ng biktima.
Ayon kay Pabonita, dadalhin nila sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang pekeng salapi para maberipika