Calendar

Metro
2 carnap suspect tiklo sa Sampaloc
Jon-jon Reyes
Jul 6, 2024
211
Views
NAHULI ng mga operatiba ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Manila Police District (MPD) ang dalawang lalaki dahil sa carnapping sa Blumentritt corner Matimyas Sts., Sampaloc, Maynila noong Huwebes.
Kinilala ni Police Major Christian Dee Cacho, hepe ng DACU-MPD, ang mga suspek na sina alyas James at alyas Jay.
Bandang alas-2:30 ng hapon ng damputin ng mga pulis ang dalawa matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga suspek.
Nahuli sila sa tulong ng arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 6 ng Maynila.
Patay na babae nakita sa bundok ng basura sa Payatas
May 14, 2025