‘Boy Yabang’ nagpasikat ng baril sa kalye, pinosasan
Jul 11, 2026
Pekeng empleyado ng Pag-IBIG tiklo sa parak
Jul 11, 2026
Garin rumesbak sa pambu-bully ng DDS
Jul 11, 2026
Calendar
Nation
2 hinoldap sa loob ng bahay
Bernard Galang
Jul 14, 2025
268
Views
PINASOK ng holdaper ang bahay sa San Fernando City, Pampanga at natangay ang P38,000, cellphone at mahahalagang mga dokumento noong Linggo.
Kinilala ni Pampanga police director Col. Eugene Marcelo ang mga biktima na sina Emerson Aquino, 28, at Raquel Lagman, 55.
Lumalabas sa pagsisiyasat na nasa bahay ng mga Lagman si Emerson para kunin kay Raquel ang bayad sa kanyang loan nang biglang pumasok ang suspek sa loob ng bahay at nagdeklara ng hold up.
Kinuha ng suspek ang sling bag ni Emerson na naglalaman ng hindi bababa sa P30,000 cash, mga dokumento at isang cellphone.
Kinuha rin kay Raquel ang P8,000 cash bago tumakas sakay ng motorsiklo papuntang Palawe Bacolor.
Garin rumesbak sa pambu-bully ng DDS
Jul 11, 2026
Senado may nakahandang holding room para kay VP Sara
Jul 11, 2026

