Teodoro

Mahigit 7,000 kasapi ng ARRAPI nag-show of force para kay Teodoro

Mar Rodriguez Jul 15, 2025
351 Views

Teodoro1PINAGTIBAY ng mahigit pitong libong miyembro ng Association of Reservists and Reservists Administrator of the Philippines (AARAPI) mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang kanilang suporta para sa liderato ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodor, Jr.

Ang “show of force” ng mga kasapi ng ARRAPI ay pagpapakita ng kanilang pakikiisa at suporta para kay Teodoro sa gitna ng mga naglutangang black propaganda at fake news sa social media laban sa Kalihim upang sirain ang kredebilidad nito.

Dinepensahan din ng ARRAPI si Teodoro sa pagsasabing matagal ng isinuko ng Defense Secretary ang kaniyang Maltese citizenship na isa sa mga isyung ipinupukol laban sa kaniya na itinuturing nilang malisyoso at walang pamantayan.

Ayon sa Chairman ng ARRAPI na si Lt. Col. Michael “Mikee” L. Romero, halatang-halata na nang-iintriga na lamang ang mga grupong nasa likod ng naturang black propaganda dahil ang kanilang mga akusasyon ay politically motivated.

“Secretary Teodoro has already renounced his Maltese citizenship in 2021. Long before returning to the government service. These claims are baseless and politically motivated. Let us not fake news to undermine the credibility of someone who is dedicated his life to public service and national defense,” ayon sa ARRAPI.

Nauna rito, mariing kinondina ng ARRAPI sa kanilang official statement sa pangunguna ni Lt. Col. Romero ang mga naglutangang alegasyon laban kay Teodoro na ito ay isang Maltese national na hindi dapat humawak ng posisyon sa gobyerno.

Muling nanawagan si Romero, dating kongresista ng 1-PACMAN Party List, sa publiko na manatili lamang na naka-pokus sa mga issues na nakaka-apekto sa seguridad ng ating bansa halip na bigyang pansin ang mga paninira ng ilang grupo sa pamahalaan.